Мир песен

NARITO AKO
(Click Here For Translation in English)
By: Regine Velasquez
Composed by: Nonong Pedero
Arranged by: Louie Ocampo
Produced by: Ronnie Henares
Narito ako umiibig
Laging tulala at ligalig
Heto na naman at halos ‘di mapakali
Sa damdamin na pinakamimithi
Narito ako na lagi nang nakatingin
Sa mga ulap at bituin
Narito ako umaawit
Ng mga kundimang kay tamis
Napakataas, lumilipad itong isip
Kalayaan ko aking inaawit
Narito ako na lagi nang nakatingin
Sa mga ulap at bituin…..
Puso’t isip ko
Ay iisa ang hiwatig
Narito akong umiibig
Bridge:
May kutob akong pumipintig
Heto na sa wakas ang pag-ibig
Narito ako na lagi nang nakatingin
Sa mga ulap at bituin…..
Puso’t isip ko
Ay iisa ang hiwatig
Narito akong umiibig

Комментарии

Прокомментировать