Мир песен

Asin — Panibagong Bukas

Bakit ba ganito, panahon na kay gulo
May mga alitan at may digmaan
Kailan magwawakas, tatahimik ang armas
At harapin panibagong bukas
Sa larangan ng digmaan, may taong laruan
Mistulang sunud-sunuran, ‘di alam ang hantungan
At saan mang lansangan, may takot, alinlangan
Sa isang hudyat, lamangan, kadiliman
CHORUS
Ikaw man, tulad ko, ayaw na ng gulo
Kaya dapat lang wakasan
At bigyaan ng daan ang kapayapaan
Sa tao at sa mundo
AD LIB
[Repeat 1st & 2nd stanzas]
[Repeat CHORUS]
AD LIB
BRIDGE
Ayaw na namin ng takot
Ayaw na namin ng gulo
Ayaw na namin ng laro
Ayaw na namin ng tuso
[Repeat 4 times]

Комментарии

Прокомментировать