papunta ka ba sa klase
tara na, buhatin ko ang libro mo
mahirap ba kay Elizalde
makinig ka lang at tiyak na ika'y pasado
kamusta na pala si Lita
balita ko ay pabalik na ang syota niya
matagal silang hindi nagkita
kaya isang buong buwan silang mawawala
kuwentuhan na walang pinupuntahan
kuwentuhan
kuwentuhan na walang pinupuntahan
kuwentuhan
nakausap mo na ba ang magulang mo
tungkol sa gimmick sa darating na sabado
sana ay makadaan ka kahit lamang sandali
para ang pagpunta ko ay magkaroon ng silbi
kuwentuhan na walang pinupuntahan
kuwentuhan
kuwentuhan na walang pinupuntahan
kuwentuhan
eto na pala
maupo ka na lang dito
magsisimula na ang klase mo
paano na, mauna na ako
oo nga pala
tsaka na lang




Ваше мнение



Капча