Kay sarap pa naman ng gising ko
Kay ganda pa naman ng timpla ko
Heto ka dumarating, namamaalam
Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin
Sa loob-loob ko lang

Chorus:
Kailangan kita
Hindi kumpleto ang buhay ko
Kapag nawalay ka sa piling ko
Pero kung may trip ka nang iba
Okey lang
Kahit paminsan-minsan lamang tayo nagkikita

Okey ka, sinira mo'ng araw ko
Puwede bang isoli mo'ng singsing ko
Pambihira ka naman
Kung kelan naman ako nahuhulog sa iyo
Saka mo ako iiwan
Sa loob-loob ko lang

Repeat chorus

Maglalasing na lang ako

Chorus2:
Kailangan kita
Hindi kumpleto ang buhay ko
Kapag nawalay ka sa kama ko
Pero kung may trip ka nang iba
Okey lang
Kahit paminsan-minsan lamang tayo nagkikita




Ваше мнение



Капча